Ghost

My Button Collection

miss-fhaye:

Dear mga lalaking naiinis sa babaeng selosa,

Alam ko nakakainis, nakakairita, nakakasakal.Nakakaurat diba? Yung lahat nalang ng babae pinagseselosan. Konting tanong mo lang, konting usap mo lang, sasabihan ka ng girlfriend mo na “Ang landi mo! dun ka na sa babae mo!” Ang sakit rin na masabihan…

doctorswagger:

  • Mahal mo pero ‘di mo pinaglaban.
  • Nag-inarte ka pa kasi kaya ka iniwan.
  • Nagpapalambing lang, ‘di mo pa pinagbigyan. Nauwi tuloy sa tampuhan.
  • May pagkakataon kang sabihin pero mas pinili mong sarilihin na lang.
  • Puro ka ngiti, pero pagtalikod iiyak naman.
  • Tiwala lang ang hinihingi, ang dami mo…

(Source: doctorswagger)

She’s In love with a Stranger

This is my first ever blog. Inspired lang kaya naisipang gumawa :) Kaya bare with me and with all my flaws. First time e.

So here it goes…

March 2011

One time while surfing the net, facebook yun syempre. Someone added me. I accepted his request. After a minute, he sent me message. So nag chat kami. He told me na matagal na daw niya kong i-nadd, hindi ko daw siya inaccept nung una kaya he decided to cancel the request. Pero nagbaka sakali daw siya ulit kaya he decided to add me again.

I don’t know pano niya nakita yung facebook account ko, kasi we don’t have mutual friends. Pero sabi niya friends of friends daw. Yun na nga, nag chat kami. Then he asked if he can get my number. Binigay ko naman sa kanya. Tapos sabi niya “text na lang kita pag balik ko ng pinas“  he told me pa na hahanapin daw niya ko. So nung mga panahong nagkaka chat kami, nasa ibang bansa pala siya. Halos lagi kami mag kachat. Kaya lang minsan hindi kami magka- abot. Tapos yung iba pa niyang friends dito sa pinas tinetext ako. 

Tapos, ewan ko kung paano at bakit. Pero the first time he saw me, nakaramdam siya ng love. Agad! Tapos yung iba pa niyang mga fb status e tungkol skin (assuming :D) E that time my boyfriend pa ko, kaya hindi ko siya ma-entertain. 

Kung dumating lang siguro siya ng mas maaga, feeling ko until now, kami prin. Pero nagkakatxt prin kme, hindi na nga lang ganun kadalas. Naging tawagan namin “CUDS” When he found out na my boyfriend ako, naghintay siya. Although nagkaron siya ng mga girlfriends, still bumalik parin siya sken. Sweet dba? :”>

He waited for almost 9 months. By the time na ngbreak kmi ng boyfriend ko sinabi ko sa sarili ko, ‘gusto ko siya bigyan ng chance’ so ayun nga. Ewan ko, pero I can feel na he’s really into me. Sino ba namang lalaki ang maghihintay ng almost 9 months.

(To make the story short)

December 26, 2011

It’s official! Nanliligaw na siya skin. That time nasa LA siya, dun siya ng Christmas and New Year. Tapos sabi niya skin my ipapakita daw siya, then he uploaded a photo. Nung nakita ko, syempre kinilig ako. Tapos akala ko made of balloons siya, pero when I open the picture, made of candles pala. Sobrang effort lang! 

Madalas kmi magkachat. Minsan umaga na talaga ko natutulog para makausap lang siya. Ewan ko ba, ang lakas ng impact ko sknya. And ganun rin naman ako.

January 2012

Siguro 2nd week yun, his friend from LPU gave me something. Pinabbigay daw niya. Christmas gift daw. Since that time nasa LA pa siya, at hindi ko alam kelan balik niya, I sent him a thank you message. 

Siguro 3rd week or last week ata ng January, to my surprise his name appeared on my phone. I was really shocked that time. Kasi I don’t have idea kelan talaga siya babalik. So tinext ko siya. Sabi niya hindi pa raw talaga niya balak sabihin skin na nakauwi na siya. E namiss niya ko, hindi siya nakatiis.

It’s been a year since nung nakilala ko siya. At never, as in NEVER pa kaming nagkita. So one day, I asked him para magkita kami. Kaya lang hindi siya sumipot. Inintindi ko na lang. Kasi I know that time he has MMA training. Pero sobrang gustong gusto ko na talaga siyang makita.

February 10, 2012

TGIF! Nothing extra special on this day. Since walang magawa, nagpunta kami ng friend ko sa computer shop. Then nag text siya sken, my tinanong siya na name ng street. Sabi ko sknya street namin yun. Ang weird lang bakit niya tinanong.

Tapos nung nasa shop na kmi, my ngtxt skin. Sbe niya kung my naghhnap daw sken. Kung nag- order daw ba ko ng pizza. So nagulat ako. Bumalik agad ako sa dorm, pagka kita ko my pizza nga. At yung pinaka malaki na size. When I open it, ung favorite ko.

Before pa  kasi yung araw na to, napag-usapan na namin yung about sa mga favorite pizza flavors namin. Hindi ko naman ineexpect na padadalhan niya ko kasi that time papunta siya ng Batangas. Kilig lang :”>

February 14, 2012

Valentine’s Day! Eto ata hinihintay ng lahat ng girls. Since single ako, I’m not expecting anything from someone. So after school diretso dorm na agad. E wala naman akong date, so natulog na lang ako. Mahihiga na sana ko, biglang my kumatok sa pinto. E hindi ko ugaling magbukas ng pinto. Tapos bigla may tumawag ng pangalan ko. Napalabas ako agad. Pag bukas ko ng pinto, my delivery boys, dalawa sila eh. My dala silang flowers and chocolates. So nagulat ako, pero at the same time natuwa rin. Nung binasa ko kung card, “Psst! Sorry ah? Happy Hearts Day! Bati na po ha? :) I love you cuds! Take care!” Kahit walang name I know it’s from him. :”>

Kinagabihan tinawagan niya ko. And syempre nag thank you ako for the flowers and chocolates. At yun din yung unang araw na narinig ko yung boses niya. Ewan ko kung bakit, pero sa tuwing naririnig ko boses niya, kinikilig lang talaga ako.

March 26, 2012

3 months na siyang nanliligaw skin. And yes, 1 year na since nung nakilala ko sya sa facebook. At 1 year ko na rin syang hindi nakikita. Isang taon ng palaisipan kung totoo ba siya o hindi.

One day, sinabi ko sknya na magkita na kami. Sunday yung day na dapat magkikita kami. 1st sunday I guess. Saturday pa lang excited na kami pareho. The next day, aga- aga ngtxt siya. Sabi niya baka daw hindi na kmi matuloy kse ngkaron ng emergency. That’s the 2nd time na hindi na naman kami natuloy. 

Sa sobrang daming problema, I told him na tumigil na lang siya. Bumalik na lng siya kapag okay na lahat. And he agreed on my decision. Siguro 2 weeks lang yung lumipas, nagkaron na ulit kmi ng communication. He told me na tingin daw niya wala na problema, okay na lahat. So last week of March, nanligaw na ulit siya skin.

Kahit ako hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi ko pa siya nakikita pero nanliligaw na siya sken. Nararamdaman ko kasi na mahal niya talaga ako. Hello 9 months! Naghintay lang siya nun, hindi pa siya nanligaw. Sino bang matinong lalaki ang gagawa ng ganun di ba? 

He’s almost perfect! Mabait, sweet, caring, gwapo, very much understanding and faithful. Bonus na lang siguro yung pagiging mayaman niya. But if you’re going to ask me, he’s the ideal guy every girl wants.

One day I told him na magkita na kami. Sabi niya sige, he will pick me up sa school after class. Kaya lang before that day comes, my nangyari na naman. While he’s on training ng MMA, someone twisted his ankle. So meaning napilayan siya. Nung araw na dapat pupuntahan niya ko, sbi niya hindi raw tlaga niya kaya maglakad, one more thing naka semento kse paa niya. So 3rd time na hindi nnman kmi natuloy.

Most of my friends told me na baka poser siya, hindi talaga siya yung mga nasa pictures. And all the negative thoughts na pedeng maisip at masabi. Kasi nga hindi pa siya nagpapakita. Ganyan ang tingin nila sa knya. I can’t blame them kasi nga ang hirap talaga maniwala lalo na sa taong hindi mo pa naman nakikta. Pero ako naniniwala ako na totoo siya. Mahirap paniwalaan pero ewan, yun yung nararamdaman ko eh.

April 2012

Siguro 1st week pa lang ng April, nag pplano na kami for my birthday. Siyempre its going to be my first birthday with him. Ang daming plans, sobrang excited nga ako eh. Habang papalapit ng papalapit yung birthday ko, mas na eexcite ako. Hindi dahil sa birthday ko, kasi finally magkikita na kami.

April 20, 2012

It’s my day! :) Ang lonely ko lang ng mga araw na to. Kasi akala ko it’s just an ordinary day. Wala akong kasama sa dorm kasi uuwi na mga dorm mates ko. Tapos nasa batangas pa siya. Ang loner lang talaga.

Lunch break tinawagan niya ko. Nasa batangas nga siya nun. Nagkaron ng emergency kaya nagpunta sila dun. Nung kausap ko siya, as usaul kinikilig na naman ako. Sabi pa niya “tuloy bukas ha!” So na excite naman ako. 

After namin sa ojt, nagpunta kami ng friend ko sa Rob. Wala lang, chill lang. Saka bibili rin sana ko ng isusuot ko para bukas. Ayoko pa talagang umuwi kasi alam ko mag-isa lang talaga ako. Pagdating ko sa dorm, siyempre sarado pinto, naka lock, patay ang ilaw. Pag bukas ko, ‘SURPRISE’ pinaghanda pala nila ko. Sobrang touch talaga ko sa ginwa nila for me. I’m so blessed with friends.


April 21, 2012

This is the day!

Eto na yung pinaka hihintay ng lahat. Magkikita na kami. Sobrang excited na talaga ako. Pinaghandaan ko yung araw na to. Mula sa damit na isusuot ko, sa ayos ng buhok, sa gagamitin na bag, sa LAHAT! Kasi I know its going to be 

EXTRA SPECIAL.  

“Hi baby! Goodmorning po! :* See you later baby! I love you! :* :* ingat ka po ha” Mas na excite ako! Ang aga niyang gumising, kasi sabi ko sknya ayoko ng late. Habang papalapit yung oras, naeexcite ako na my halong kaba.

8:45 am nagtext siya, “Babe linis muna ko ssakyan ha. Tapos ligo na din. Wag ka na malungkot baby! :* I love you babe! :* “ Ang aga talaga niya. Sinabi ko rin pala sknya na mag pink siya. Bagay kasi sa knya. Sabi niya nagtatawa daw yung friend niya bakit daw ksi siya na ka pink.

Around 10:20 ng text siya. Sabi niya paalis na raw sila nung friend niya. Pero my dadaanan pa sila sa Q.C. Then 10:30 yun, sbe niya mg drive daw muna siya. So hindi ko na muna siya kinulet. Pero I told him na mag-ingat siya. 11:00 , “Opo babe. :* I love you :*” that was his last text. Around 11:30 tinanong ko asan na siya. Hindi siya nagrereply. 12nn nagtxt ulit ako, pero wala talagang reply. I assume na ngddrive siya kaya hindi siya sumasagot. 

12:30 na ata yun, wala pa rin siyang reply. So I decided to text his cousin. Kasi 1pm yung usapan namin, hindi prin sya ng rresponse. I asked him kung kilala ba niya yung friend na kasama pra just in case siya na lang yung ittxt ko. Kaya lang pareho silang hindi nag rereply. Kinutuban na ko na hindi na naman kami matutuloy. 

Nagpunta na kami sa meeting place, dumating siguro kami dun mga 1pm. We waited waited sgro until 2pm. Pero wala prin siya. Hindi prin sinasagot yung mga tawag at texts ko, even yung texts and calls ng pinsan niya and ng papa niya. Sa sobrang inis, umalis na kmi. I’m trying to call him pero hindi talaga siya sumasagot eh. 

Ayokong mag-isip ng kung ano-ano, pero iba talaga pakiramdam ko eh. Ittext ko na dapat siya pra awayin kse hindi niya kmi sinipot, pero nung ngttype na ko, bigla ko na lang binura. Ewan ko ba bakit, tapos I tried to call him again, pero wala talagang sumasagot.

Sobrang nawalan na talga ko ng pag-asa. Naiiyak na lang talga ko. Buti sana kung ordinary day lang to eh. Pero hindi, BIRTHDAY KO ! Birthday ko na inaasahan kong magiging sobrang saya at memorable kasi kasama ko siya. Naging memorable naman eh, hindi kasi niya ko sinipot. 

Ibang- iba yung ineexpect ko. Sobrang dami pa namang plano. Pero nwala lang lahat. Bago pa man yung birthday ko, my napagkasunduan na kami. Kung hindi matutuloy, ititigil na namin to. Sabi pa niya hindi niya yun hahayaang mangyari kasi hindi niya ko kayang mawala sa kanya. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Kahit hindi ko pa siya nakikita, yun na talaga nararamdaman ko sa knya.

Alam ko hindi niya ginusto yung nangyari. Mag explain lang siya ng ayos, sige tatanggapin ko. Kahit my usapan na kami. Halos araw- araw sinasabihan niya ko ng I LOVE YOU pinaparamdam niya na mahal niya ko. At oo, ramdam na ramdam ko yun. Kaya ang hirap kung basta basta ko na lang siya iiwan.

It’s been months na mg M.U kami, pero never. as in never ko sinabi sa knya na “I LOVE YOU” . Gusto ko ksi, ssabhn ko yun in front of him. Ang tagal kong hinintay yung araw ng pagkikita namin. Akala ko the LONG WAIT IS OVER  pero hindi pa pala. I still need to wait. 


Hindi ko alam kung tadhana ba yung nag didikta ng lahat o talagang pinaglalaruan lang kami nito. Sa tuwing darating yung araw na magkikita na kami, laging my nangyayari. Gusto kong magalit sa kanya, gustong gusto. Lagi na lang niya ko pinapaasa pero iba yung ngayon. Hindi ko alam, hindi ko maipaliwanag, pero hindi ko magawang magalit sa kanya.

Umaasa ako na isang araw magkikita rin kami. Kung hindi man, siguro nga hindi talaga kami yung para sa isa’t isa. Hindi pa siguro ito yung tamang panahon para sa aming dalawa. Mahal ko siya, mahal niya ko pero ang labo eh. I met him unexpectedly, and this time I really can’t afford to lose him.

Alam ko wala akong kakampi sa mga nangyayari skin. Kung meron man, siguro siya lang din yun. Lahat sila kontra. Pero hangga’t nararamdaman ko na my chance pa, paninindigan ko lahat ng magiging desisyon ko. Nagmamahal lang ako. Hindi naman siguro masama yun. Mas mali siguro kung isusuko ko na lang lahat kahit alam kong mahal ko naman siya.

Hindi ko alam kung anong kahahantungan ng lahat. Maging maganda man o hindi tatanggapin ko to. At hinding hindi ko pagsisisihanKung ano man siya, kung sino man siya, ano mang itsura niya, handa ako sa lahat. Naniniwala ako na magkakaron ng happy ending ang storya naming dalawa.


JACA <3


&lt;3 the dress.

<3 the dress.

Button Theme